October 3, 2022

Noong ika-2 ng Oktubre 2022, mayroong 753 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,515 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 611(24.3%) ang okupado. Samantala, 26.2% ng 21,316 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 73 milyong indibidwal o 93.70% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 19 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 6.8 milyong senior citizens o 78.51% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Setyembre 26 hanggang Oktubre 2, 16,017 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 2,288, mas mababa ng 10 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Setyembre 19 hanggang 25. Sa mga bagong kaso, 4 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 228 na pumanaw kung saan 34 ay naganap noong Setyembre 19 hanggang Oktubre 2.

Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar.  Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker

Note:

Of the 228 deaths, 35 occurred in September 2022, 3 in July 2022, 1 in June 2022, 4 in February 2022, 3 in January 2022, and 182 in September 2021.