July 17, 2023

Noong ika-16 ng Hulyo 2023, mayroong 324 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil sa COVID-19. Sa 2,246 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 234(10.4%) ang okupado. Samantala, 2,806(16.0%) ng 17,583 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Higit sa 78 milyong indibidwal o 100.44% ng ating target na populasyon ang bakunado na laban sa COVID-19 habang 23 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots. Sa kabilang banda, 7.1 milyong senior citizens o 82.16% ng ating target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mula Hulyo 10 hanggang 16, 1,938 na bagong kaso ang naitala sa bansa. Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 277, mas mababa ng 23 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hulyo 3 hanggang 9. Sa mga bagong kaso, 25 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman. Samantala, mayroon namang naitalang 26 na pumanaw kung saan 17 ay naganap noong Hulyo 3 hanggang 16.

*Pinapaalalalahan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ng COVID-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster.*

*Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang aming website: www.doh.gov.ph/covid19tracker*

*Note: Of the 26 deaths, 19 occurred in July 2023, 5 in June 2023, and 2 in May 2023.*

*Due to ongoing migration of the Vaccine Information Management System (VIMS) by the DICT, the DOH-EB will not be able to generate updated vaccine accomplishment until said migration has been resolved. Rest assured that any data submitted or edited through the VIMS application are still accepted and duly processed.*