January 28, 2022

Ngayong 4 PM, Enero 28, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 18,638 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 13,106 na gumaling at 68 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.6% (231,658) ang aktibong kaso, 91.9% (3,226,032) na ang gumaling, at 1.53% (53,801) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 26, 2022 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at lagging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.