Ngayong 4 PM, Disyembre 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 379 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 631 na gumaling at 25 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (11,905) ang aktibong kaso, 97.8% (2,774,334) na ang gumaling, at 1.76% (49,961) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 8, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 9 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Note: Of the 25 deaths, 5 occurred in December 2021 (20%), 6 in November 2021 (24%), 7 in October 2021 (28%), 5 in September 2021 (20%), 1 in August 2021 (4%), and 1 in July 2021 (4%) due to late encoding of death information to COVIDKaya. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.