Ngayong 4 PM, Nobyembre 28, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 838 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,217 na gumaling at 156 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (16,630) ang aktibong kaso, 97.7% (2,766,816) na ang gumaling, at 1.71% (48,361) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 26, 2021 habang lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.003% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.