November 26, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 863 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 791 na gumaling at 142 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (17,853) ang aktibong kaso, 97.7% (2,764,517) na ang gumaling, at 1.70% (48,017) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 24, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin  ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.