November 20, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 20, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,474 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,565 na gumaling at 205 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (22,070) ang aktibong kaso, 97.6% (2,755,526) na ang gumaling, at 1.66% (46,903) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 5.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.