Ngayong 4 PM, Nobyembre 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,297 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,956 na gumaling at 305 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,158) ang aktibong kaso, 97.5% (2,752,173) na ang gumaling, at 1.65% (46,422) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 16, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Note: Of the 305 reported deaths, only 36 occurred in November 2021. 44% of the reported deaths today occurred in October 2021 while 35% occured in September 2021 due to late encoding of death information. This issue is currently being coordinated with the Epidemiology and Surveillance Units to ensure information is up to date.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.