November 14, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,926 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 3,140 na gumaling at 309 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (28,102) ang aktibong kaso, 97.4% (2,743,297) na ang gumaling, at 1.62% (45,581) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 12, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.