November 12, 2021

Ngayong 4 PM, Nobyembre 12, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,894 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,421 na gumaling at 170 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.0% (29,105) ang aktibong kaso, 97.4% (2,738,975) na ang gumaling, at 1.60% (45,035) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 10, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.