Ngayong 4 PM, Oktubre 30, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,008 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,887 na gumaling at 423 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.7% (47,690) ang aktibong kaso, 96.7% (2,693,162) na ang gumaling, at 1.55% (43,044) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 28, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.