Ngayong 4 PM, Oktubre 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,279 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,312 na gumaling at 208 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.2% (60,957) ang aktibong kaso, 96.3% (2,654,173) na ang gumaling, at 1.52% (41,793) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 22, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.