October 18, 2021

Ngayong 4 PM, Oktubre 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,943 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 19,687 na gumaling at 86 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.5% (68,832) ang aktibong kaso, 96.0% (2,617,693) na ang gumaling, at 1.49% (40,761) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 16, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, hindi dapat tayo maging kampante. Bagkus, ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at agad na magpabakuna.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.