October 14, 2021

Ngayong 4 30 PM, Oktubre 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,835 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,317 na gumaling at 154 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (84,850) ang aktibong kaso, 95.4% (2,573,161) na ang gumaling, at 1.49% (40,221) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 12, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.3% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.