October 7, 2021

Ngayong 4:30 PM, Oktubre 7, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 10,019 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,425 na gumaling at 109 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (115,328) ang aktibong kaso, 94.1% (2,478,616) na ang gumaling, at 1.48% (38,937) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 5, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.