Ngayong 8:30 PM, Oktubre 3, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 13,273 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 45,249 na gumaling at 112 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (112,008) ang aktibong kaso, 94.2% (2,442,623) na ang gumaling, at 1.49% (38,768) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 1, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.