Ngayong 4 PM, Setyembre 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 20,336 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 10,028 na gumaling at 310 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.1% (188,108) ang aktibong kaso, 90.3% (2,100,039) na ang gumaling, at 1.56% (36,328) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 15, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker