September 13, 2021

Ngayong 4 PM, Setyembre 13, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 20,745 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 22,290 na gumaling at 163 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.0% (180,293) ang aktibong kaso, 90.4% (2,032,471) na ang gumaling, at 1.57% (35,307) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 11, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.2% sa lahat ng samples na naitest at 1.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.