Ngayong 4 PM, Agosto 31, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 13,827 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 16,759 na gumaling at 118 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.3% (145,562) ang aktibong kaso, 91.0% (1,810,847) na ang gumaling, at 1.68% (33,448) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 29, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.