Ngayong 4 PM, Agosto 27, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 17,447 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,771 na gumaling at 113 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.4% (142,531) ang aktibong kaso, 90.8% (1,741,089) na ang gumaling, at 1.71% (32,841) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 25, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.