August 25, 2021

Ngayong 4 PM, Agosto 25, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 13,573 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 15,820 na gumaling at 228 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (125,378) ang aktibong kaso, 91.6% (1,725,218) na ang gumaling, at 1.73% (32,492) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 23, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 0.9% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.