Ngayong 4 PM, Hulyo 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 5,735 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,069 na gumaling at 176 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (56,273) ang aktibong kaso, 94.7% (1,488,437) na ang gumaling, at 1.75% (27,577) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 1 laboratoryo and hindi operational noong July 27, 2021 habang lahat ng ibang laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 1.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.