July 26, 2021

Ngayong 4 PM, Hulyo 26, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,664 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 5,766 na gumaling at 23 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (55,140) ang aktibong kaso, 94.7% (1,473,009) na ang gumaling, at 1.75% (27,247) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 1 mga laboratoryo and hindi operational noong July 24, 2021 habang mayroong 8 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 2.3% sa lahat ng samples na naitest at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.