Ngayong 4 PM, Hulyo 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,845 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,330 na gumaling at 0 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (55,069) ang aktibong kaso, 94.7% (1,455,137) na ang gumaling, at 1.75% (26,891) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 21, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.