Ngayong 4 PM, Hulyo 17, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,040 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,213 na gumaling at 122 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.1% (47,257) ang aktibong kaso, 95.1% (1,428,504) na ang gumaling, at 1.77% (26,598) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 15, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.