June 24, 2021

Ngayong 4 PM, Hunyo 24, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,043 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,486 na gumaling at 108 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.7% (51,410) ang aktibong kaso, 94.5% (1,302,814) na ang gumaling, at 1.74% (24,036) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 22, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.35% sa lahat ng samples na naitest at 0.24% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.