Ngayong 4 PM, Hunyo 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,353 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,139 na gumaling at 119 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.6% (49,862) ang aktibong kaso, 94.6% (1,298,442) na ang gumaling, at 1.74% (23,928) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 21, 2021 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.2% sa lahat ng samples na naitest at 4.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.