Ngayong 4 PM, Hunyo 10, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,485 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,504 na gumaling at 122 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (56,921) ang aktibong kaso, 93.9% (1,214,454) na ang gumaling, at 1.72% (22,312) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 8, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.52% sa lahat ng samples na naitest at 0.43% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.