May 29, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,443 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,533 na gumaling at 156 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (53,614) ang aktibong kaso, 93.9% (1,142,246) na ang gumaling, at 1.70% (20,722) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 27, 2021 ngunit mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.