May 25, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 25, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 3,972 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 4,659 na gumaling at 36 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.1% (48,201) ang aktibong kaso, 94.3% (1,120,452) na ang gumaling, at 1.68% (20,019) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 23, 2021 ngunit mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 3.2% sa lahat ng samples na naitest at 5.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.