May 21, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 21, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,258 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2,586 na gumaling at 141 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (55,531) ang aktibong kaso, 93.6% (1,096,109) na ang gumaling, at 1.69% (19,763) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 19, 2021 ngunit mayroong 5 na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 3.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.