May 18, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 4,487 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,383 na gumaling at 110 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.5% (52,291) ang aktibong kaso, 93.8% (1,082,725) na ang gumaling, at 1.68% (19,372) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang lahat ng mga laboratoryo ay operational noong May 16,2021 ngunit mayroong 8 na hindi nakapagsumite ng datos sa CDRS. Sa nakaraang 14 na araw, ang 8 laboratoryo na nabanggit at nagtala ng humigit kumulang na 2.5% samples na naitest at 2.7% bilang ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.