May 9, 2021

Ngayong 4 PM, Mayo 9, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 7,174 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,197 na gumaling at 204 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.6% (61,294) ang aktibong kaso, 92.8% (1,022,224) na ang gumaling, at 1.68% (18,472) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.