April 29, 2021

Ngayong 4 PM, Abril 29, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,276 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 6,636 na gumaling at 114 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (69,354) ang aktibong kaso, 91.6% (942,239) na ang gumaling, at 1.67% (17,145) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.