April 1, 2021
Ngayong 4 PM, Abril 1, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 8,920 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 205 na gumaling at 6 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 18.4% (138,948) ang aktibong kaso, 79.9% (603,948) na ang gumaling, at 1.76% (13,303) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.