February 23, 2021

Ngayong 4 PM, Pebrero 23, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,414 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 72 na gumaling at 16 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (29,817) ang aktibong kaso, 92.6% (522,941) na ang gumaling, at 2.14% (12,107) ang namatay.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.