January 18, 2021
Ngayong 4 PM, Enero 18, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,163 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 2 na gumaling at 14 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (26,839) ang aktibong kaso, 92.7% (465,988) na ang gumaling, at 1.97% (9,909) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.