December 6, 2020
Ngayong 4 PM, Disyembre 6, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,768 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 9,062 na gumaling at 29 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (22,646) ang aktibong kaso, 92.9% (408,634) na ang gumaling, at 1.94% (8,554) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.