November 23, 2020
Ngayong 4 PM, Nobyembre 23, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 1,799 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 135 na gumaling at 50 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (25,837) ang aktibong kaso, 91.9% (386,604) na ang gumaling, at 1.94% (8,173) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.