November 6, 2020
Ngayong 4PM, Nobyembre 06, 2020, ang Department of Health ay nakapagtala ng 2,092 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 462 na gumaling at 52 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 8.8% (34,374) ang aktibong kaso, 89.3% (349,974) na ang gumaling, at 1.90% (7,461) ang namatay.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.