Ayon sa Section 28 ng Universal Health Care Act (RA 11223), isang konseho na binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Health (DOH), Department of Trade and Industry (DTI), PhilHealth at iba pang mga grupo ang bubuuin upang makipag-kasundo sa mga pharmaceutical companies ukol sa presyo ng mga gamot at medical devices na makabago, patented o di kaya nanggagaling sa iisang supplier sa bansa.
Ang kanya-kanyang pagbili ng mga ospital ng gamot o medical device na mula sa nag-iisang supplier lamang ay nagreresulta sa mataas at iba’t ibang presyo nito. Sa pamamagitan ng Price Negotiation Board, napapababa at naipapantay natin ang presyo ng mga gamot o medical device para sa iba’t ibang opisina sa DOH Central Office, at DOH Retained and Specialty Hospitals.
Ang mga produkto na maaaring ipasok sa price negotiation ay ang mga gamot at medical devices na makabago, may patent o may iisang rehistrado ng supplier sa Food and Drug Administration (FDA).
Nais ng Price Negotiation Board na tipunin ang kapangyarihang bumili ng iba’t ibang ospital ng DOH upang pababain at ipantay ang presyo ng mga gamot at medical device na nanggaling lamang sa isang kumpanya.
Ang kasunduan ay epektibo lamang sa loob ng isang (1) taon at maaaring irenew o ipa-renegotiate ng end-users.
- Kapag nag-iisa at walang kompetisyon ang produkto sa merkado, maaari itong ipasok sa price negotiation.
- Ang sinumang nagnanais malaman kung ang supplier ay rehistrado sa FDA ay maaring bumista sa FDA Verification Portal (https://verification.fda.gov.ph/Home.php) o mag-email sa Secretariat ng Price Negotiation Board (pnb@doh.gov.ph).
Ang iba’t ibang opisina sa DOH Central Office, at DOH Retained and Specialty Hospitals ay maaaring maghain ng nominasyon ng mga gamot o medical device sa Price Negotiation Board upang umpisahan ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkasundo sa nag-iisang supplier nito sa bansa ukol sa pinakamagandang presyo nito kung ito ay bibilhin