POLIO
Ang polio ay sakit na dulot ng poliovirus. Umaatake ang poliovirus sa spinal cord at mga nerves na nagpapagalaw sa mga muscles, lalong lalo na sa paa, hanggang ang mga ito ay hindi na maigalaw at maparalisa habangbuhay. Maaari ring maparalisa ang ating diaphragm o ang ating “breathing muscle”, kung kaya’t maaaring mahirapang huminga ang pasyente. Maaari niya itong ikamatay.
