Ang mga taong nasa maayos na kalusugan ay hindi na kailangan pang gumamit ng face masks.
Ang paggamit ng surgical face masks ay nirerekomenda lamang para sa:
Mga taong may sakit;
Mga taong may respiratory infection/sintomas gaya ng pag-ubo, pagbahing, at lagnat; at
Mga nagtatrabaho sa ospital, at iba pang healthcare at frontline workers (hal., BI, PNP).
Ang N95 masks ay dapat nakareserba lamang para sa mga healthcare at frontline workers na:
Nag-aasikaso ng mga pasyenteng may respiratory infection at iba pang sintomas (hal., ubo’t sipon), o mga pasyenteng ini-imbistigahan;
Pumapasok sa mga kwartong may PUIs o mga kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV upang mangalaga sa kanila o maglinis/mag-disinfect ng kapaligiran, o kumuha ng clinical specimens (dapat ay magsuot sila ng kumpletong personal protective equipment o PPE); at
Nangangasiwa ng clinical specimens, mga nagamit na medical supplies at equipment, o humahawak sa mga surfaces na maaaring kontaminado.
Sa lahat ng ito, ang paggamit ng face mask ay dapat samahan ng madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, o kaya ay alcohol-based na sanitizer.