Manatili sa bahay, maliban na lamang kung ikaw ay pupunta sa doktor.
Kung maaari ay huwag munang makihalubilo sa ibang mga kasama sa bahay. Manatiling nakahiwalay sa isang kwarto at kung posible, gumamit din ng ibang kubeta.
Bago magpakonsulta sa doktor, ipagbigay alam muna sa kanila na ikaw ay posibleng mayroong 2019-nCoV infection.
Magsuot ng face mask kung ikaw ay nasa iisang kwarto kasama ang ibang tao, o kung ikaw ay bibisita sa iyong doktor.
Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang tisyu o panyo kung ikaw ay uubo o babahing, o kaya naman ay gamitin ang manggas ng iyong damit.
Hugasan ang iyong kamay nang mabuti at madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng alcohol-based na sanitizer. Iwasan ding hawakan ang mata, ilong, at bibig lalo kung hindi pa hugas ang kamay.
Iwasan munang makisalo sa paggamit ng mga kagamitan sa bahay gaya ng plato, baso, tasa, kutsara’t tinidor, atbp.
Bantayan ang iyong mga sintomas at magpakonsulta na sa doktor kung lumalala ang iyong sakit (hal. nahihirapang huminga).
Gabay sa Publiko
A. Mga dapat gawin kung tingin mo ay positibo ka sa 2019-nCoV infection:
B. Mga dapat gawin kung ikaw ay nag-aalaga/may kasama sa bahay na posibleng mayroong 2019-nCoV infection:
Siguruhing magagabayan at matutulungan mo ang iyong pasyente na sumunod sa mga payo ng kanyang doktor.
Kung maaari, ang mga tao lamang na maaaring tumulong sa pasyente ang panatilihing kasama niya sa bahay. Ang ibang kasama sa bahay ay dapat munang ihiwalay ng kwarto sa pasyente, lalo na ang matatanda at mga taong mahina ang resistensya. Limitahan din ang pagtanggap ng mga bisita.
Siguruhing maayos ang daloy ng hangin sa bahay na pinananatilihan ng pasyente.
Maghugas ng kamay nang mabuti at madalas gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 segundo. Kung walang sabon at tubig, gumamit ng alcohol-based na sanitizer. Iwasan ding hawakan ang mata, ilong, at bibig lalo kung hindi pa hugas ang kamay.
Gumamit ng disposable na face mask, gown, at gloves kapag hahawakan ang pasyente. Siguruhing maayos itong itatapon, at hugasang muli ang kamay pagkatapos nito.
Iwasan munang makisalo sa pasyente sa paggamit ng mga kagamitan sa bahay gaya ng plato, baso, tasa, kutsara’t tinidor, atbp.
Linisang mabuti ang high-touch surfaces gaya ng counters, ibabaw ng mesa, doorknobs, mga telepono, atbp. araw-araw. Linisin din ang mga surfaces na may dugo, body fluids, o iba pang excretions.
Hugasang mabuti ang mga labahin. Agad hubarin ang mga damit o beddings na may dugo at iba pang secretions. Gumamit ng gloves sa pag-alis ng mga ito, at hugasan agad ang kamay matapos alisin ang gloves .
Ilagay lahat ng mga disposed na gloves , gowns, at face masks sa isang hiwalay na lalagyan o plastik bago itapon kasama ng iba pang basura. Maghugas agad ng kamay matapos ito
Bantayang mabuti ang sintomas ng pasyente. Kapag mas lalong sumasama ang kanilang lagay, tawagan agad ang kanyang doktor. Siguruhing ipagbigay alam muna sa doktor na ang pasyente ay posibleng infected ng 2019-nCoV.
C. Mga dapat gawin kung ikaw ay may nakasalamuhang hinihinalaang may 2019-nCoV infection:
Bantayan ang iyong kalusugan mula sa unang araw na nakasalamuha mo ang nasabing tao na may sintomas hanggang sa 14 na araw matapos nito. Bantayan ang sarili mula sa mga sumusunod: lagnat, ubo, hirap sa paghinga, sore throat, sakit ng katawan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagtatatae, atbp.
Kung ikaw ay nagpakita ng isa o higit pa ng mga sintomas na ito, sundan lamang ang prevention steps para sa mga nag-aalaga/may kasama sa bahay na posibleng mayroong 2019-nCoV ARD infection (nakadetalye sa itaas). Agad ding tawagan ang iyong doktor, at abisuhan muna ito ukol sa iyong kondisyon bago pa pumunta sa kanyang klinik o ospital.
Kung ikaw naman ay walang sintomas, hindi na kailangang mag-alala.
D. Mga pamamaraan upang maiwasan ang pagpasa ng sakit mula sa hayop patungo sa tao, lalo sa mga pamilihang may buhay na mga hayop:
Para sa publiko o sinumang bumibisita sa mga palengkeng may buhay na hayop o iba pang produktong hayop:
Panatilihing malinis ang pangangatawan at laging maghugas ng kamay matapos humawak sa mga hayop.
Iwasang hawakan ang mga mata, ilong, o bibig gamit ang kamay.
Iwasang lumapit o humawak sa mga hayop na may sakit o bulok/panis na mga produktong galing sa hayop.
Huwag lumapit o humawak ang mga hayop na posibleng nakatira sa palengke (hal., ligaw na aso’t pusa, ibon, daga, paniki)
Iwasang lumapit o humawak sa mga dumi galing sa hayop na posibleng kontaminado.
Iwasan ang pagkain ng hilaw o hindi gaanong luto na mga produktong galing sa hayop.
Para sa mga taong mayroong karamdaman: Ang mga taong may karamdaman o mahina ang resistensya ay mariing pinaiiwas sa mga palengkeng may buhay na mga hayop, ligaw na mga hayop o wild animals, at pinagbabawalan ding kumain ng hilaw na karne.
Para sa mga manggagawa sa katayan, mga beterinaryo na nag-iinspeksyon sa mga palengke, mga nagtatrabaho sa palengke, at sinumang tagapagpangasiwa ng mga buhay na hayop at mga produkto galing rito:
Panatilihing malinis ang pangangatawan at laging maghugas ng kamay matapos humawak sa mga hayop.
Kung maaari ay magsuot ng mga protective gowns, gloves , at face masks kapag humahawak sa mga hayop at mga produktong galing sa kanila.
I-disinfect ang mga kagamitan isa o mahigit pang beses sa isang araw.
Ang sinuot na mga damit ay dapat hubarin at hugasan araw-araw.
Iwasang ma-expose ang iyong pamilya sa hinubad na damit, sapatos, at iba pang kagamitan na maaaring na-contaminate.
Ugaliing iwanan na sa trabaho ang mga labahin at doon na hugasan araw-araw.
A. Mga pangkalahatang alituntunin
1. Kalinisan sa katawan:
Takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang tisyu o panyo kung ikaw ay uubo o babahing, o kaya naman ay gamitin ang manggas ng iyong damit.
Iwasang humawak sa mga mata, ilong, at bibig upang pigilan ang pagkalat ng virus.
Ang paggamit ng face mask ay inirerekomenda lamang sa mga taong nag-aalaga ng may-sakit; healthcare workers na nag-aalaga sa mga pasyente; at mga taong may sintomas ng virus o iba pang respiratory infection.
Maghugas ng mga kamay nang madalas at mabuti gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng alcohol-based sanitizers kung walang sabon at tubig
2. Pag-iwas sa maraming tao:
Hangga’t maaari, dumistansya sa mga tao ng may layong tatlong talampakan hanggang isang metro upang iwasan ang pagkahawa.
Sa trabaho, maaaring gawing substitute ang video o telephone conferences, sa halip na face-to-face meeting.
Ikansela muna ang mass gatherings o mga pagpupulong na may maraming tao.
3. Paglinis ng kapaligiran
Linisin ang mga bagay na madalas hawakan, gaya ng mga lamesa, doorknobs, laruan, desks, at keyboards ng kompyuter.
Panatilihing malinis ang kapaligiran, lalo na ang mga lugar o pasilidad na madalas gamitin gaya ng elevators, hagdan, switch ng ilaw, atbp.
Maglagay ng mga alcohol-based na hand rub sa mga pampublikong lugar.
4. Pagpapanatiling malinis ng pagkain:
Iwasan ang pagkain ng hilaw o hindi-masyadong luto na karne.
Kung bibisita sa mga palengkeng may mga buhay na hayop o iba pang produktong-hayop:
Panatilihing malinis ang pangangatawan at laging maghugas ng kamay matapos humawak sa mga hayop at mga prodktong galing dito.
Iwasang hawakan ang mga mata, ilong, o bibig gamit ang kamay.
Iwasang lumapit o humawak sa mga hayop na may sakit o bulok/panis na mga produktong galing sa hayop.
Huwag lumapit o humawak ang mga hayop na posibleng nakatira sa palengke (hal., ligaw na aso’t pusa, ibon, daga, paniki)
Iwasang lumapit o humawak sa mga dumi galing sa hayop na posibleng kontaminado.
Huwag nang katayin at kainin pa ang mga hayop na may-sakit. Ilibing/sunugin agad ang mga ito.
B. Pagbibigay-alam sa kinauukulan kung may taong maaaring positibo sa 2019-nCoV
Ang sinumang may sintomas ng 2019-nCoV ARD, naglakbay sa mga lugar na mayroong mga kaso ng 2019-nCoV ARD, o may malapit na ugnayan sa mga taong kumpirmadong mayroong/iniimbestigahan para sa 2019-nCoV ARD at mga tagapangalaga nito, ay inaanyayahang lumapit agad at magbigay-alam sa mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).
Kung ang nasabing tao ay nakatira sa subdivision o condominium, kailangan rin niyang agad na lumapit sa Homeowners Association o Administration Office, na sya namang dapat magbigay-alam sa BHERT.
Ang BHERT ang siyang bahala na magbigay-alam sa Municipal Health Officer (MHO) or City Health Officer (CHO) para sa imbestigasyon. Ang MHO/CHO naman ang siyang mag-uulat sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU).
Lahat ng miyembro ng BHERT ay dapat gampanan ang kanilang mga tungkulin ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2020-018: Guide to Action Against Coronavirus.
C. Mga dapat pagkuhanan ng impormasyon at advisories ukol sa 2019-nCoV
- Ang lahat ay hinihikayat na huwag nang magpakalat ng mga unverified na mga ulat at fake news, upang iwasan ang takot at stress na dulot nito.
- Para sa mga opisyal na anunsyo at advisories, inaanyayahan ang lahat na bumisita at kumuha lamang ng impormasyon sa mga opisyal na DOH channels:
Website: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV
Facebook: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/
Twitter: https://twitter.com/DOHgov
3. Ang mga materyales ng DOH para sa health promotion (hal. infographics, social media cards, atbp.) ay maaaring gamitin at i-reproduce ng libre para sa mga komunidad.
A. Mga pangkalahatang alituntunin
Personal na Proteksyon at Kalinisan
Pagtuturo sa mga mag-aaral at mga guro na respiratory hygiene at tamang pag-ubo.
Takpan ang bibig kapag babahing at uubo gamit ang kanilang manggas o tissue.
Tamang pagtapon sa basurahan ng tissue na ginamit sa pag-bahing o pag ubo.
Paglalagay ng hygiene supplies gaya ng tissue, basurahan, sabon at alcohol.
Paghikayat sa mga mag-aaral at mga kawani na gawin ang hand hygiene tulad ng tamang handwashing at pagkakaroon ng hygiene supplies.
Turuan ang mga mag-aaral at mga kawani na maghugas ng kamay ng 20 segundo gamit ang sabon. Patuyuin ang kamay gamit ang tisyu. Gumamit ng tisyu sa pagpihit ng gripo. Kung walang tubig at sabon, maaari ring gumamit ng hand sanitizer na mayroong 60% ethanol o isopropanol.
Magkaroon ng handwashing time schedule para sa mga mag-aaral.
Magkaroon ng sapat na hand hygiene supplies gaya ng mga handwashing stations, sabon, tisyu, alcohol at hand sanitizers.
Hikayatin ang mga mag-aaral at mga kawani na ilayo ang mga kamay sa kanilang mga ilong, bibig, at mata.
Pagkakaroon ng mga alituntunin o pamantayan sa pagpagpapanatili ng kalinisan ng paaralan.
Panatilihing malinis ang mga bagay na madalas gamitin gaya ng mga desks, doorknobs, computer keyboards, hands-on learning items, mga gripo at mga telepono. Itapon agad ang laman ng basurahan kung kinakailangan.
Gumamit ng mga panlinis o pang-disinfect ayon sa direksyon na nakasaad sa label nito. Ang paggamit ng disinfectant ng labis sa itinakda ay hindi rin iminumungkahi.
Magkaroon ng supplies ng gloves , basahan, pedal trash bins o basurahan na may tapakan upang hindi na kailangan hawakan para buksan. Siguraduhin din na ang mga ito ay FDA-approved.
Hikayatin ang mga mag-aaral at mga kawani na iwasan ang mga hayop at ang pagkain ng mga hilaw o hindi masyadong luto na mga karne.
Panatilihin ang wastong paghanda ng mga karne. Ihiwalay ang mga luto sa mga hindi masyadong luto upang maiwasan ang kontaminsayon ng mga pagkain.
Iwasan ang pagkatay at pagkain ng mga hayop na may sakit. Ilibing ang mga patay na hayop. Iwasan madikit sa kanilang mga katawan ng walang damit na pang-proteksyon.
Kung pupunta sa mga palengke o mga katayan, panatilihin ang pagsunod sa hand hygiene practices gaya ng handwashing gamit ang tubig at sabon pagkatapos humawak sa mga hayop at mga karne.
Iwasan muna na humawak sa mata, ilong at bibig.
Iwasan na humawak sa (a) hayop na may sakit o sirang mga karne (b) mga hayop na nakatira sa palengke gaya ng ligaw na pusa, aso, ibon o mga paniki at (c) mga kontaminadong dumi ng hayop o mga likido mula sa palengke.
Infection Control
Mga paraan sa pagsugpo ng pagpasa ng virus:
Hikayatin ang mag-aaral at mga kawani na manatili muna sa bahay kung may sakit.
Payuhan ang mga mag-aaral, mga magulang at mga kawani na manatili muna sa bahay habang may sakit sa loob ng 24 oras o kapag sila ay wala ng lagnat, ubo, o sipon.
Bisitahing muli ang mga Patakaran sa: (a) Sick leave policies para sa mga mag-aaral at mga kawani, (b) Pagliban muna sa pagkakaroon ng Perfect Attendance Awards, at (c) Pag-crosstraining ng mga kawani para mayroon pwedeng pumalit kung sakali na mayroon kawani na kailangang lumiban o magpahinga.
B. Pangangasiwa ng mga may sintomas
Magkaroon ng orientation para sa mga mag-aaral, magulang at mga kawani sa mga sintomas ng 2019-nCoV ARD, mga warning sign, at mga high-risk group.
Lahat ng mga mayroon lagnat o respiratory infection at may kasaysayan ng paglalakbay sa China o contact sa may sakit na miyembro ng pamilya na naglakbay sa China ng nakaraang 14 araw, ay pinapayuhan na magkakonsulta sa malapit na ospital. Humingi ng tulong sa Barangay health Emergency Response Team (BHERT).
Habang naghihintay ng referral o sasakyan na magdadala sa taong maysakit, ihiwalay muna sa isang lugar ang mga mag-aaral at mga kawani na may mga lagnat o respiratory infection. Siguraduhin na mayroong handwashing facility o lababo na may sabon at tubig, alcohol, tissue at pedal trash can. Bigyan ng face mask ang may sakit na mag-aaral o kawani.
C. Pag-organisa sa komunidad at Pagresponde
Depende sa kinakailangang level of response, ang kinauukulan ay nararapat na makipag-ugnayan sa higher-level school authority, local government unit, at public health officials para sa gagawin joint risk assessment. Ang desisyon ng opisyal ng paaralan para sa pagsuspendido ng klase at mga gawaing pangpaaralan maging ang pag-resume nito ay nararapat na base sa naging resulta ng joint risk assessment.
Ang mga tagapangasiwa ay nararapat na magbigay alerto agad sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) ng lahat ng mga sumusunod: (a) sintomas (b) mga sintomas maging ang mga travel history mula sa China (c) mga sintomas ng mga pakikisalamuha sa sa taong posibleng may 2019-nCoV ARD.
D. Pagsuspinde ng klase ayon sa response level
Ang pagkumpirma ng kaso at ng level ng transmission nito ay manggagaling lamang sa DOH. Para sa mga Response Level, Ang Local Chief Executive (LCE) (mayor) ay maaring magdeklara ng suspension ng klase ayon sa rekomendasyon ng DOH. Sa mga sitwasyon na kailangan ng agarang desisyon, ang school administrator ay maaring magdeklara ng suspension ng klase at ipagbigay-alam ito sa LCE.
Ang pag-alis o pagtanggal ng suspension ng klase ayon sa Response Levels III at IV, ay maaring gawin 10 araw mula sa petsa ng suspension. Ngunit ang mga apektadong mag-aaral, mga kawani at iba pang manggagawa na may 2019 CoV ARD, PUIs ay pinapayuhan na mamalagi muna sa bahay o sa mga health facilities.
Bago buksan muli ang klase, ang mga paaralan ay nararapat na magsagawa ng mga sumusunod:
General cleaning ng paaralan
Pagdi-disinfect ng mga desk, upuan, pinto, banyo, lababo, basurahan at mga gamit panlinis
Siguraduhin na may supply ng tubig, sabon, at iba pang mga gamit sa proper hygiene.
Palakasin ang kampanya para sa hand and respiratory hygiene at general sanitation.
Bago ibalik ang klase, ang mga namumuno para sa kalusugan ay dapat na:
Siguraduhin na ang paaralan ay nagcomply sa mga aksyon bago ibalik ang klase.
Magbigay ng tulong para sa mga health services para sa pag-iwas at pagkontrol ng 2019-nCoV ARD
Palakasin ang kampanya para sa hand and respiratory hygiene at general sanitation.
E. Mga dapat pagkuhanan ng impormasyon at advisories ukol sa 2019-nCoV
Ang lahat ay hinihikayat na huwag nang magpakalat ng mga unverified na mga ulat at fake news, upang iwasan ang takot at stress na dulot nito.
Para sa mga opisyal na anunsyo at advisories, inaanyayahan ang lahat na bumisita at kumuha lamang ng impormasyon sa mga opisyal na DOH channels:
Website: https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV
Facebook: https://www.facebook.com/OfficialDOHgov/
Twitter: https://twitter.com/DOHgov
- Ang mga materyales ng DOH para sa health promotion (hal. infographics, social media cards, atbp.) ay maaaring gamitin at i-reproduce ng libre para sa mga komunidad.